ALAALA NG KAHAPON: A PARANORMAL ACTIVITY AT SCHOOL

This is a blog from RU regarding her unforgettable paranormal experience at BNHS. Read and be scared— be very scared!  Joke lang, basahin n’yo na lang para maaliw at magimbal din kayo.

Start….

My friends via Facebook are going gaga over this mala-Blairwitch type of movie — PARANORMAL ACTIVITY 2.  I know that this is a bit late na for Halloween. But heck! Scary movies and stories are an all-year-around staple sa huntahang bayan, pati na din sa inuman ng mga lasenggo!

I asked my friend in the city if this film was already screened there, di ko kasi napanood ‘yong part 1, walang pambayad sa senihan. She said I dunno. May katamaran din akong sumilip sa movie screening sa SM at Ayala, kaya wa paki din ako. Ehek.

When I saw the trailer at youtube, di naman ako natakot. Honestly. I dunno why some of the movie reviews claim that people are visibly shaken so and so. Di ko nga maintindihan eh. Mas nayanig pa nga ako sa Blairwitch movie Part 1, 2012 and sa Cloverfield eh! Mas nakakatakot pa nga ang Cloverfield. Shucks! What if kung mangyari nga yun!? Aruroy!

And in fairness, mas nakakatakot pa yung mga paranormal activity sa tunay na buhay. Ikaw na, anong gagawin mo kung makakita ka ng tikbalang or kapre sa personal? Whatcha gonna do?

Speaking of nakakatakot, maikuwento ko lang ang nangyaring photo shot namin sa harap ng high school classroom namin noon— wayback 1993.  Dati kasi, ‘yong classroom namin has been surrounded by huge caimito trees at the back and bushes, mga buigainvilla at rare sides, ewan ko lang ngayon.  Wala pa ‘yong demountable buildings noon kasi empty tennis court pa lang ang nariyan.  Empty kasi bihira lang kaming makakita ng mga naglalaro ng tennis, siguro, can’t afford ang mga tao in this type of game, pang-mayaman, bongga!  

Well, napagkatuwaan lang ng magbabarkada.  Gusto namin bago kami ga-graduate sa BNHS, makita man lang naming nagsasama-sama kami sa isang pagkakataon.  Nagpasya ang isa sa amin na kunin ang serbisyo ng kodaker ng bayan na si Tatay So, kasi kaharap lang ‘yong bahay nila sa school namin.  Besides, hindi pa uso ang digital cam noon.

Mga ilang shots din ang pinagulong ni Tatay So— pose dito at pose doon. Lahat kami ay aliw na aliw sa pagkakataong iyon.  Basta ang usapan, hati kami sa bayaran.

Nang ibinigay na sa amin yong mga dinivelop na photos, shocking talaga dahil ilan sa mga kuha ng kamerang gala ni Tatay So ay mala-higanting anino na para kamong background na sumusunod-sunod sa amin.  Natatakot kami noon dahil may naririnig kaming usap-usapan na kapre daw ‘yon na nakatira sa likurang bahagi ng school namin at baka kamo nagambala at sa halip na magpahinga ay nakisabay na lang sa aming ginagawang pictorials.

Naitago ko nga ‘yong ilang copy sa amin.  Ipapadala ko dito para marami din ang makakita.  Abangan!

Courtesy of RU

1 Comment

Filed under BNHS ALUMNI BLOGS

One response to “ALAALA NG KAHAPON: A PARANORMAL ACTIVITY AT SCHOOL

  1. christian

    san n ung mga picture n kapre? chrisjhenie07@yahoo.com add mo ko kung n post mo n dito. patingin ako kung totoo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s